TAP Productions
Menu

RELEASES

Room 401

6/29/2020

0 Comments

 
401 is the first single of HIGH BREED. The song title was named after the building unit number of TAP Productions' Engine Room where the members were grouped together. The room also serves as their creativity incubator where they write, record tracks and rehearse.  The song is basically an intro of the group.


Room 401 was released on December 8, 2019 on digital platforms and was first performed at the HIGH BREED Artist Launch last December 14, 2019 at Starmall EDSA-Shaw.
Picture
LISTEN ON sPOTFY

LYRICS

ROOM 401

Nagising na ang mga dragon. 
Nakawala mula sa kinandadong kahon.
Magpapasabog ng bara, tila bagong taon. 
Maangas na noon, mas pinaangas ngayon.
Mula room 401 kami ang High Breed, matigas na parang bakal, bawal ang plastic.
Dapat lang na mag-panic ‘pag kami kaharap, ‘pag tumapat ang wak, wasak lahat hanggang sa balat. ‘Pag ako ang bumuo, natural at totoo.  


‘Di basta-basta tumututok, pinuputok sa noo. 
Kami na ang bubulusok kaya usog ginoo.
Kinailagan ang angas, ‘di basta sino-sino ‘to.
Kaya tabi mga pabida, kami muna sa gitna. 
Walang pake sa mga sabi-sabi ng iba. 
Basta kami parang kape, mainit mga bara.
Paalala ‘bawal ‘to sa mahihina’t mga bata.  


Kwadradong silid. Yeah!
Apat na tao kumakatawan, limitado espasyo kaya delikado. 
Laging umaapaw sa kaalaman.
Dito nagpasahan ng mga idea, kaya nagmistulang silid-aralan.
Hanggang mapunan, mga pagkukulang at kamangmanggan. Sinasalang maigi hindi tunog kalye kaya siguradong may katuturan mga sinasabi.
Kami ‘di mababang uri. hindi gutom sa papuri.
High Breed kami hindi pang karaniwan.


Bihirang makita parang bahaghari sa kalangitan.
Dito kami laging lumalapag, ika-unang silid at ika-apat na palapag. 
Na palapag. 


CHORUS:
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 


Handa ka na ba sabayang makipagbaliaan ng buto sa mga 
makatang kayang dumurog ng bungo, dumura nang buo, mula sa ulo hanggang sayong paa. 
Lahat kayo ay mapapanganga. kami’y babala sa magtatangka.


 Mga talangka wala tsansa na hilahin kami pababa.
Lahat kayo ay mapapadapa, madadala ka, madadala sa aming bagsakan na kakaiba.
Natatanga na, nagtataka ka, natatawa pa, akala nila ‘di na muli pa makakalikha, ng sandata na para sa madirigma.
Pintuan ng room 401, agadan kong binuksan.
Natuklasang iba ‘yung tahimik sa ‘lang pakialam, dapat na makiramdam.


Bago ka magdamdam. 
Dito ako nagtanim, waiting lang sa anihan.
Pasok mo dito ‘yan, saken matik karne ‘yan.
Pasaway sa dadaanan saken may kalalagyan.
Eeerroool! Sigaw nya na nag-aalangan.
Tapos matapos igapos agad na liliyaban.
Walang awa-awatan kahit umiyak pa ‘yan.
Bawal ang balat sibuyas dito sa Rom 401.


Mga tigasin kuno, antitigas ng noo.
Ayaw nila ng panghimay ang gusto nila ‘yung bulto. 
Kada banggit ng tanong, bala aking tugon. 
Lubog anim na talampakan, ‘pag ako ang nagbaon. 


CHORUS:
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 
0 Comments



Leave a Reply.

    TP

    Be in-the-know on what's behind every release from TAP Records.

    Archives

    June 2020
    November 2019
    October 2019
    September 2019

    Categories

    All
    3RROL
    CHROLLO
    HIGH BREED

    RSS Feed

Copyright © 2020 TAP Poductions
Photo used under Creative Commons from chocolatedazzles
  • HOME
  • ABOUT
    • TERMS OF USE
  • PROJECTS
    • DIGMA TUGMA >
      • DIGMA TUGMA 2019
    • SULOK
    • ATIN >
      • THE START
      • HATAKAN PATAAS
      • INDIEKA
  • TAP RECORDS
    • ARTISTS
    • RELEASES
  • TAP CLUB CREW
  • TAP SPOTLIGHT
  • CONTACT US
  • HOME
  • ABOUT
    • TERMS OF USE
  • PROJECTS
    • DIGMA TUGMA >
      • DIGMA TUGMA 2019
    • SULOK
    • ATIN >
      • THE START
      • HATAKAN PATAAS
      • INDIEKA
  • TAP RECORDS
    • ARTISTS
    • RELEASES
  • TAP CLUB CREW
  • TAP SPOTLIGHT
  • CONTACT US