DIGMA TUGMA: THE ANTHEM was launched on the first night of the League's Season 2, last November 24, 2019 at Zeropint QC, along with the official music video. The official music video shows us what the league is composed of. These days, battle rappers/rappers are being stereotyped (I don't want to mention the term, but you know what I mean). The characters and their roles in the music video are true-to-life. A rider, software developer, tattoo artist and a student, different individuals from different worlds bounded by one passion, rap. A perfect example that battle rap, rap or Hip Hop in general is not just a genre, it's culture. Watch the official music video.Released on October 11, 201. DIGMA TUGMA is available on Spotify, Youtube Music and other digital platforms. DIGMA TUGMA: THE ANTHEM LyricsIto’y digmaan ng mga bara.
Bawal dito mahihina. Hindi pwede ang pabida. Hindi pwede ang pa-diva. Bawal dito ang supot, kailangan mayron kang tira at tugmaang humihiwa, nagbabagang mga rima. Humanda kang sumabay at ‘wag na ‘wag kang sasablay. Kailangan pumatay o ikaw mamamatay. Paunahan lang sa hukay kung sino malalagay. Ang matitirang matikas sa kanya ang tagumpay. Kaya kung gusto mong lumaban, humanda kang masugatan. Humanda ka sa bakbakan, dapat makipagpalagan. Kung ayaw matapakan dapat mo na patunayan na pinanganak ka para sa ganitong klase ng digmaan. CHORUS: Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. Kapag pinasok mo na ‘to dapat handa ka nang lumaban. ‘Pag binuksan mo pinto, ‘di na pwede pang lumisan. Ito’y modernong balagtasan, hindi lang basta asaran. Na makabuluhan ang pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng mga barang matalim. Pwede kang magpatawa, pwede ring magmalalim. Pwede ka ring mag bisaya, pwede mo rin inglisin, nasasayo kung anong plano, anong kaya mong gawin. Ang mahalaga sa larong ‘to ay mabahagi sa mundo na ang HipHop ay hindi lang palakihan ng ginto o paramihan ng tattoo o pagandahan ng relo, ito’y tagisan ng talino, ‘di lang basta laro. CHORUS: Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. Let’s go! Pambihira kumatha ng mga rima pandigma. ‘Pag sinalo mo ‘to sunog ka’t sigurao na tusta. Kahit magkano ipusta, sakin ‘di ka uubra. Kahit itodo mo ang todo mo, sa akin pulbos ka. Ako’y pandigma na makata, mga bara at talata simpleng-simple lang sa akin parang nagyupi ng lata. Walang tirang bahala, gusto ko ‘yung tumatama, sentro sa aking mga kalaban paniguradong may panama. Galawang dalubhasa, ang utak ay hasang-hasa, parang nagmasaker ng bata, ako’y walang kaawa-awa. Ganyan ako mang-mama. ‘Di ko na pinapahaba, ang dugo ay maglalawa ‘pag ako ang rumagasa. Kahit sino mang kalaban, kayang makipagsabayan. ‘Di ko pa hinuhusayan ang lahat malalatayan. Kung sino mang humarang ‘pag ako nag-super saiyan, malamang bubulagta ‘yan at haharap kay kamatayan. CHORUS: Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa.
0 Comments
Leave a Reply. |
TPBe in-the-know on what's behind every release from TAP Records. Archives
June 2020
Categories |
Copyright © 2020 TAP Poductions
|