TAP Productions
Menu

RELEASES

FT

6/29/2020

0 Comments

 
Picture
FT as in Food Trip is the second single of High Breed. The song was made because we love food tripping right after every recording. As the lyrics goes-YANG CHOW as our basic rice along with sisig tuna, sinigang and lechon kawali, the groups' staple orders from the menu.  This track is about hunger. Literal hunger,  there are times that even earning for a hard day's work is not enough to feed the whole family and make ends meet. Subliminal hunger, hungry for making everything real, and hustling to achieve the goal. Dreaming to get to the destination and have the means to eat every craving. 
listen on spotify

LYRICS

FT

​Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan.
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan.
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan.
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan.
Alas kwatro ng umaga, diretso sa kusina, naghahanap agad ng chibog sa may la mesa.
Teka lang walang handa kahit na longganisa o kaya itlog, daing, tuyo
 
o kahit na de lata.
Gusto kong bumili, wala lang pambili.
Sarap ng bentelog kaso ‘yung pera ko ay kinse.
Ako ay nagugutom na, gusto ko nang kumain, lahat ng naiisip ko gusto ko nang lamunin.
Tulad ng bulalo, kare-kare, fried itek, afritada, sinigang o kahit na kwek-kwek. Pork chop, liempo, pata tsaka beef steak, kailangan kong kainin para ako’y manahimik.
 
CHORUS:
Dami-dami, dami-dami gusto kong kainin.
Lamunin kanin kahit gano pa ito kainit.
Biglang napaso at nagbago ang aking isip.
Bigla kong namalayan ako ay nananaginip.
Ang dami-dami, dami-dami gusto kong kainin.
Lamunin kanin kahit gano pa ito kainit.
 
Biglang napaso at nagbago ang aking isip.
Bigla kong namalayan ako ay nananaginip.
Teka, tyan ko nag-aalburuto.
Gusto ko ng bogchi ni Naruto.
O kaya, kahit na turo-turo.
Sakit ng ulo ko, may tama pa ako sa gin puro.
Tara, samahan mo ko maggala, kain tayo, rekta tayo ng dampa.
Dami ko gusto na kainin, kahit kakanin eh palag-palag na sa akin.
 
Hindi ko na matiis, baka may itlog na pula with kamatis.
Hindi ko ‘to mapipigilan, ang gusto ko bultuhan, hindi pampulutan.
Teka lang, teka lang parang sobra na ito.
Hindi, mali kulang papala ito. Nakalimutan ko ang aking paborito, mas special pa ito sa sinigang na pato.
Yang Chow! Ayun nadale ko na!
Asan ‘yung lechon kawali’t sisig tuna.
 
Ate baka pwedeng pakibilisan, ayokong nabibitin, baka magkaubusan.
 
CHORUS:
Dami-dami, dami-dami gusto kong kainin.
Lamunin kanin kahit gano pa ito kainit.
Biglang napaso at nagbago ang aking isip.
Bigla kong namalayan ako ay nananaginip.
 
Ang dami-dami, dami-dami gusto kong kainin.
Lamunin kanin kahit gano pa ito kainit.
Biglang napaso at nagbago ang aking isip.
Bigla kong namalayan ako ay nananaginip.
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Siomai)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Siopao)
 
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Shanghai)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Buchi)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Tapsi)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Tausi)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Kansi)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Kikiam)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Pansit)
 
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Batchoy)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (Okoy)
Penge, penge, penge, penge, penge ako nyan. (at chop suey).
0 Comments

Room 401

6/29/2020

0 Comments

 
401 is the first single of HIGH BREED. The song title was named after the building unit number of TAP Productions' Engine Room where the members were grouped together. The room also serves as their creativity incubator where they write, record tracks and rehearse.  The song is basically an intro of the group.


Room 401 was released on December 8, 2019 on digital platforms and was first performed at the HIGH BREED Artist Launch last December 14, 2019 at Starmall EDSA-Shaw.
Picture
LISTEN ON sPOTFY

LYRICS

ROOM 401

Nagising na ang mga dragon. 
Nakawala mula sa kinandadong kahon.
Magpapasabog ng bara, tila bagong taon. 
Maangas na noon, mas pinaangas ngayon.
Mula room 401 kami ang High Breed, matigas na parang bakal, bawal ang plastic.
Dapat lang na mag-panic ‘pag kami kaharap, ‘pag tumapat ang wak, wasak lahat hanggang sa balat. ‘Pag ako ang bumuo, natural at totoo.  


‘Di basta-basta tumututok, pinuputok sa noo. 
Kami na ang bubulusok kaya usog ginoo.
Kinailagan ang angas, ‘di basta sino-sino ‘to.
Kaya tabi mga pabida, kami muna sa gitna. 
Walang pake sa mga sabi-sabi ng iba. 
Basta kami parang kape, mainit mga bara.
Paalala ‘bawal ‘to sa mahihina’t mga bata.  


Kwadradong silid. Yeah!
Apat na tao kumakatawan, limitado espasyo kaya delikado. 
Laging umaapaw sa kaalaman.
Dito nagpasahan ng mga idea, kaya nagmistulang silid-aralan.
Hanggang mapunan, mga pagkukulang at kamangmanggan. Sinasalang maigi hindi tunog kalye kaya siguradong may katuturan mga sinasabi.
Kami ‘di mababang uri. hindi gutom sa papuri.
High Breed kami hindi pang karaniwan.


Bihirang makita parang bahaghari sa kalangitan.
Dito kami laging lumalapag, ika-unang silid at ika-apat na palapag. 
Na palapag. 


CHORUS:
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 


Handa ka na ba sabayang makipagbaliaan ng buto sa mga 
makatang kayang dumurog ng bungo, dumura nang buo, mula sa ulo hanggang sayong paa. 
Lahat kayo ay mapapanganga. kami’y babala sa magtatangka.


 Mga talangka wala tsansa na hilahin kami pababa.
Lahat kayo ay mapapadapa, madadala ka, madadala sa aming bagsakan na kakaiba.
Natatanga na, nagtataka ka, natatawa pa, akala nila ‘di na muli pa makakalikha, ng sandata na para sa madirigma.
Pintuan ng room 401, agadan kong binuksan.
Natuklasang iba ‘yung tahimik sa ‘lang pakialam, dapat na makiramdam.


Bago ka magdamdam. 
Dito ako nagtanim, waiting lang sa anihan.
Pasok mo dito ‘yan, saken matik karne ‘yan.
Pasaway sa dadaanan saken may kalalagyan.
Eeerroool! Sigaw nya na nag-aalangan.
Tapos matapos igapos agad na liliyaban.
Walang awa-awatan kahit umiyak pa ‘yan.
Bawal ang balat sibuyas dito sa Rom 401.


Mga tigasin kuno, antitigas ng noo.
Ayaw nila ng panghimay ang gusto nila ‘yung bulto. 
Kada banggit ng tanong, bala aking tugon. 
Lubog anim na talampakan, ‘pag ako ang nagbaon. 


CHORUS:
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 
Ito ang High Breed, apat na alas.
Hindi pwedeng tapatan ng ‘di malakas.
Kami ang bida saming palabas.
Bawal tulakan dapat hatakan lang pataas. 
0 Comments

DIGMA TUGMA: THE ANTHEM

11/25/2019

0 Comments

 
Picture
DIGMA TUGMA: THE ANTHEM, produced by DCFER and David Daliva is written and performed by the DIGMA TUGMA 2019 1v1 Title Holder, Chrollo. The song is not only the Anthem for DIGMA TUGMA : Rap battle League but it tackles what rap battle is all about. 

TRIVIA:
In a failed attempt to look for an electric guitar during the time of the recording, DCFER used an acoustic guitar with missing strings to produce the guitar sound in the  beats of this song.

DIGMA TUGMA: THE ANTHEM was launched on the first night of the League's Season 2, last November 24, 2019 at Zeropint QC, along with the official music video. The official music video shows us what the league is composed of. These days, battle rappers/rappers are being stereotyped (I don't  want to mention the term, but you know what I mean).  The characters and their roles in the music video are true-to-life. A rider, software developer, tattoo artist and a student, different individuals from different worlds bounded by one passion, rap. A perfect example that battle rap, rap or Hip Hop in general is not just a genre, it's culture.  

Watch the official music video.

Released on October 11, 201.  DIGMA TUGMA is available on Spotify, Youtube Music and other  digital platforms.

Listen on SPOTIFY

DIGMA TUGMA: THE ANTHEM Lyrics

Ito’y digmaan ng mga bara.
​Bawal dito mahihina.

Hindi pwede ang pabida.

Hindi pwede ang pa-diva.

Bawal dito ang supot, kailangan mayron kang tira at tugmaang humihiwa, nagbabagang mga rima.

Humanda kang sumabay at ‘wag na ‘wag kang sasablay.  

Kailangan pumatay o ikaw mamamatay. 

Paunahan lang sa hukay kung sino malalagay. 

Ang matitirang matikas sa kanya ang tagumpay.

Kaya kung gusto mong lumaban, humanda kang masugatan.

Humanda ka sa bakbakan, dapat makipagpalagan.

Kung ayaw matapakan dapat mo na patunayan na pinanganak ka para sa ganitong klase ng digmaan.


CHORUS:
​Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. 
Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. 
Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. 
Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. 

Kapag pinasok mo na ‘to dapat handa ka nang lumaban.
‘Pag binuksan mo pinto, ‘di na pwede pang lumisan.

Ito’y modernong balagtasan, hindi lang basta asaran. 

Na makabuluhan ang pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng mga barang matalim.

Pwede kang magpatawa, pwede ring magmalalim. 

Pwede ka ring mag bisaya, pwede mo rin inglisin, nasasayo kung anong plano, anong kaya mong gawin. 

Ang mahalaga sa larong ‘to ay mabahagi sa mundo na ang HipHop ay  hindi lang palakihan ng ginto o paramihan
ng tattoo o pagandahan ng relo, ito’y tagisan ng talino, ‘di lang basta laro.

CHORUS:
​Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. 
Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. 
Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. 
Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. 


Let’s go!
Pambihira kumatha ng mga rima pandigma. ‘Pag sinalo mo ‘to sunog ka’t sigurao na tusta. 

Kahit magkano ipusta, sakin ‘di ka uubra.

Kahit itodo mo ang todo mo, sa akin pulbos ka.  

Ako’y pandigma na makata, mga bara at talata simpleng-simple lang sa akin parang nagyupi ng lata. 

Walang tirang bahala, gusto ko ‘yung tumatama, sentro sa aking mga kalaban paniguradong may panama. 

Galawang dalubhasa, ang utak ay hasang-hasa, parang nagmasaker ng bata, ako’y walang kaawa-awa.  

Ganyan ako mang-mama.

‘Di ko na pinapahaba, ang dugo ay maglalawa ‘pag ako ang rumagasa.

Kahit sino mang kalaban, kayang makipagsabayan.

‘Di ko pa hinuhusayan ang lahat malalatayan.

Kung sino mang humarang ‘pag ako nag-super saiyan, malamang bubulagta ‘yan at haharap kay kamatayan. 





CHORUS:
Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. 

Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. 

Humanda ka sa bakbakan at digmaan ng tugma. 

Dito sa Digma Tugma, bawal ang barang lampa. 

0 Comments

KEYBOARD WARRIOR

10/11/2019

0 Comments

 
Picture
KEYBOARD WARRIOR, a song written and performed by Errol, produced by DC Fer and David Daliva. Internet trolls are the main subject of this song.  Bashing and cyberbullying are just a few cruel terms that floated in the advent of social media.  These are the times when its so easy to criticize everyone directly through comments, shares and offensive posts hiding from pseudo accounts. With just one click, trolls can digitally trash talk their target without knowing the gravity of their negative comments or posts to the person they are directing it to. Keyboard warriors, that's what they're called. Using their keyboards as weapons of destruction based on hatred or just simply spreading negativity through opinions that are based on half-baked knowledge.



Released on Oct. 11, 2019,  Keyboard Warrior is available on Spotify, Youtube Music and other  digital platforms.

LISTEN ON SPOTIFY

KEYBOARD WARRIOR Lyrics

INTRO:
Meron lang akong napuna.
Dumadami na sila. 
Eto sila, eto sila eh.

Napakaraming tao ang sang-ayon sa death penalty. Mga keyboard warrior na nasobrahan sa cruelty. Mga grabe mag-suggest, mga kunwari mabait. Pero nag-aabang kung may bagong scandal si bes. 
Ano ba ‘to? Kabobohan na sagad. Ayan napapala ‘pag sa memes ka nagbabad. Galawang pantamad, mga kamay laging nakalahad. Imbes na magsumikap, nagreklamo nang sagad. Konting problema na nakita, may issue agad.
Konting bulong na marining ang tenga lumalapad. 
Gusto na maging mapalad, pero isip niya siya’y sawing palad.
Kumpleto naman sa kain, pero ba’t parang may kabag. 

Utak kumalabukab, gusto ko na humikab.
Kaso mga sundalo ng PC laging naka sipat.
Kaya kahit bad shit kailangan na magsumikap.
Lipad lang na matayog papunta doon sa ulap.

CHORUS:
Rekta rekta na agad, talagang ito’y sagad sapul kayo sa akin kahit pa na mangilag.
Ito ay mala-body bag, kayo dapat ibalibag.
‘Di na nga nakakatulong, palpak pa inilahad.
Matatamaan ka kahit umilag ka. Kung kabilang ka sa keyboard warrior na pabida.
Matatamaan ka kahit umilag ka. Kung kabilang ka sa keyboard warrior na pabida.

Sagadsagaran sa reklamo, kala mo talaga perpekto.
Pinipilit lang naman nila na sumabay sa tiyempo.
Astahan ay pambobo todo komento, Loko sapul kayong lahat ngayon ako ay nakatodo.
Sabihin man nila na ako ay walang modo, bastos daw at ang bibig ko ay walang preno.
Kesa naman sa nakikiulam ka sa adobo.
Kunwari matalino, online gangsta’ na dorobo.
‘Di ka kasama sa flight, kinansela na eroplano.
Tapos na pamboboso ‘la na kayong maloloko.
Gising na ‘yung tulog, tumalino na ‘yung bagito.
Palyado na galawan ‘di na uubra rito.
Mga umasta na bayani, bayani sa PC sila tagabantay ng galaw online CCTV.
Dami nang galawan, dami ng gusto, Peru ‘bat ung utak anliit akala mo munggo.

CHORUS:
​Rekta rekta na agad, talagang ito’y sagad sapul kayo sa akin kahit pa na mangilag.
Ito ay mala-body bag, kayo dapat ibalibag.
‘Di na nga nakakatulong, palpak pa inilahad.
Matatamaan ka kahit umilag ka. Kung kabilang ka sa keyboard warrior na pabida.
Matatamaan ka kahit umilag ka. Kung kabilang ka sa keyboard warrior na pabida.

Sa personal ay mabait, pero sa online ay galit.
Doble-kara na pabibo umasta na malupit.
Ulo ko ay sumasakit, badtrip na sa makulit.
Kung matyempuhan ko lang, aabutin ng hagupit.
Nakakabwisit mag-imbento, mga kritikong perpekto.
Hindi kayo nalalayo sa mapanira na gobyerno.
Kaya ang payo ko lang ‘wag na mangi-alam.
Kung ang sarili n’yong buhay eh hindi n’yo magalawan.
Imbes na magtulungan, bakit naghihilahan, parehas lang naman tayo na may nararamdaman.
Imbes na solusyonan, nagpatama ka na lang, social media gangster matik laban na laban. 
Palihim kung magmilagro, tatlo pa account ng bobo. 
Para lang suportahan, kasuputan n’ya na proyekto.
Gusto laging pabilib kaya nakakabilib, ‘yung tanim n’yong mga galit ako na magdididlig.

CHORUS:
Rekta rekta na agad, talagang ito’y sagad sapul kayo sa akin kahit pa na mangilag.
Ito ay mala-body bag, kayo dapat ibalibag.
‘Di na nga nakakatulong, palpak pa inilahad.
Matatamaan ka kahit umilag ka. Kung kabilang ka sa keyboard warrior na pabida.
Matatamaan ka kahit umilag ka. Kung kabilang ka sa keyboard warrior na pabida.

Watch Official Lyric Video

0 Comments

Hatakan Pataas

9/8/2019

0 Comments

 
Picture
Hatakan Pataas, the first released single by TAP Records,  written and performed by Errol, produced by DC Fer and David Daliva. A song about positivity and the struggles and dreams of an aspiring rap artist. The song also tackled how Filipino crab mentality, social media, corruption and bullying and how it affects everyone. Hatakan pataas preaches that we should all help each other up, with hard work, we will all get there and no one will be left behind. 



Hatakan Pataas is available on Spotify, Youtube Music and other  digital platforms.
Click the botton below.
Play on Spotify

HATAKAN PATAAS Lyrics

INTRO:
Kakaiba na talaga ang ating panahon. Mga simpleng  ‘di pindot noon eh! touchscreen na ngayon. Mga pedicab naging e-bike na. Tapos kada kanto may matang mapanghusga mas inuna mamuna kesa sumuporta, dilat mga mata ngunit pundido mga bumbilya. Laging ikinukumpara bago sa nauna. Paalala ko lang mahal namen itong kultura. Hatakan na pataas walang nang hila pababa sa daan nakayuko sa pangarap ay tingala.

CHORUS: 
Hatakan na pataas walang hila pababa.
Sama-sama sa pag-angat kita tayo sa gitna.
Lahat ay kasama ‘wag matulala.
Dagdagan ang sipag sa sarili magtiwala.

VERSE 1:
Para bang nababalisa. Eto sa gilid mag-isa dami nang iniisip. Mga mali kailan magiging tama.
Andaming nagsasabi na wala lang ito. Andami munang sinalag ko bago ako bumato.
Ako ay sumunod muna bago sumuway kaso nga lang inabuso kaya ako sumabay.
Mga komento na sablay parang bulungan ng  patay. Tapos ‘yung usapan sino malupit noong buhay.
Andami nang bulong. Andami rIn tanong. Andami nang sigaw dami dIn ng alulong.
Dami nang nakalaya dami din nakakulong. ‘Yung mga nangyayari nagmistula na bugtong. 
Kaliwa’t kanan na tunog dibdib na kumalabog isang hipak durog mata pumikit sabog. 
Akalain mo na check yung mali oh what the heck.Kahit na anong mangyari eh kailangan na mag-flex.

CHORUS: 
Hatakan na pataas walang hila pababa.
Sama-sama sa pag-angat kita tayo sa gitna.
Lahat ay kasama ‘wag matulala.
Dagdagan ang sipag sa sarili magtiwala.

VERSE 2:
Mga duda sa paligid kailangan paandaran. Tapos aking isasama pag meron nang sasakyan.
Isantabi ang negatibo, lang mapapala dyaan. Palawakin ang mundo mag-ambag ng kaalaman.
Nanatili na kalmado sa mundong mapanglito ayan ang aking ginawa kaya ngayon ay narito. Ipapakita ang lakas sa pagbigkas ng lirico kayod lang nang kayod hanggang pawis ay maging ginto.
Hayaan mga neto’y umastang ghetto. Mga kengkoy, nag-angas nang sagad ‘yung homies galawang homeboy, I hustle everyday even it is rainy day. Ang  pera palapit na araw-araw holiday.
Mga hindi nagtiwala tila aking gasolina. Sila ang dahilan kaya sinipagan sa karera.
Hatakan na pataas walang hila pababa. Sa daan nakayuko sa pangarap tingala.

CHORUS: 
Hatakan na pataas walang hila pababa.
Sama-sama sa pag-angat kita tayo sa gitna.
Lahat ay kasama ‘wag matulala.
Dagdagan ang sipag sa sarili magtiwala.
Walang hila pababa.
Hatakan na pataas, walang hila pababa.
​ Sa daan nakayuko sa pangarap tingala.


Watch the full lyric video:

0 Comments

    TP

    Be in-the-know on what's behind every release from TAP Records.

    Archives

    June 2020
    November 2019
    October 2019
    September 2019

    Categories

    All
    3RROL
    CHROLLO
    HIGH BREED

    RSS Feed

Copyright © 2020 TAP Poductions
Photo used under Creative Commons from chocolatedazzles
  • HOME
  • ABOUT
    • TERMS OF USE
  • PROJECTS
    • DIGMA TUGMA >
      • DIGMA TUGMA 2019
    • SULOK
    • ATIN >
      • THE START
      • HATAKAN PATAAS
      • INDIEKA
  • TAP RECORDS
    • ARTISTS
    • RELEASES
  • TAP CLUB CREW
  • TAP SPOTLIGHT
  • CONTACT US
  • HOME
  • ABOUT
    • TERMS OF USE
  • PROJECTS
    • DIGMA TUGMA >
      • DIGMA TUGMA 2019
    • SULOK
    • ATIN >
      • THE START
      • HATAKAN PATAAS
      • INDIEKA
  • TAP RECORDS
    • ARTISTS
    • RELEASES
  • TAP CLUB CREW
  • TAP SPOTLIGHT
  • CONTACT US